Magtanong Nang May Pagsamba
Madalas nating naririnig ang mga tanong na, “Malapit na ba?” o “Matagal pa ba?” kapag nasa biyahe tayo. Dahil sa pananabik na makarating agad sa pupuntahang lugar, ito ang mga katanungang bukambibig ng mga bata man o matanda. Ganito rin ang mga tanong natin kapag pinanghihinaan na tayo ng loob dahil sa mga nararanasan nating pagsubok sa buhay na tila hindi…
Ako’y sa Panginoon
Parami na ng parami ang nagpapalagay ng tattoo sa ngayon. May maliliit na tattoo na halos hindi mapapansin at mayroon naman na malalaki at makukulay na kadalasang ipinapalagay ng mga atleta at mga artista.
Ano man ang pananaw mo sa tattoo, mababasa natin sa Isaias 44 ang tungkol sa mga tao na para bang naglagay ng tatak sa kanilang mga kamay…
Sa Kanyang Pangangalaga
Ilang ulit akong nakatanggap ng mensahe tungkol sa napipintong pagbaha noong araw na iyon. Masama ang lagay ng panahon at marami nang mga magulang ang nagdatingan para sunduin ang kanilang mga anak sa eskuwelahan. Nang magsimula nang umulan, napansin ko ang isang babae na bumaba sa kotse, kumuha ng payong at saka nilapitan ang anak. Tiniyak niya na hindi mababasa ang…
Makinig sa Kapatid
Narinig ko minsan ang aking kapitbahay na kinakausap ang kanyang nakababatang kapatid, Sabi nito, “Kailangan mong makinig sa akin.” Alam niya kung ano ang mas makakabuti dahil mas matanda siya. Marami sa atin ang hindi nakikinig sa mga payo ng mga nakatatanda nating kapatid. Dahil doon, nararanasan natin ang masamang dulot ng hindi pakikinig sa kanila.
Bilang mga sumasampalataya naman kay…
Paano Maging Matatag
Napakalamig ng panahon noon. Gusto ko nang makasakay agad sa aking kotse at makapasok sa isang gusali para mapawi ang ginaw na nararamdaman ko. Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. Bumagsak ako. Hindi naman ako nabalian pero nakaramdam ako ng sobrang sakit. Ilang linggo pa bago tuluyang bumuti ang kalagayan ko.
Naranasan n’yo rin ba ang ganoong sitwasyon? Hindi…
Tunay na Kapanatagan
Isipin natin ang larawan ng isang magulang habang pinatatahimik niya ang kanyang sanggol. Marahan niyang nilagay ang kanyang mga daliri sa tapat ng kanyang labi at ilong at sinasabi ang “tahan na.” Ang simpleng gawain na iyon ng isang magulang ay nagpapatahimik at nagtatanggal ng alinlangan sa isang sanggol.
Ang gawain na iyon na nagpapadama ng pagmamahal ay maaaring nagawa na…
Panawagan ng Bulag
Napansin ng kaibigan ko na tila nahihirapan akong makita ang mga bagay na malayo sa akin. Tinanggal niya ang kanyang salamin at pinahiram sa akin. Laking gulat ko nang luminaw ang aking paningin matapos kong suotin ang kanyang salamin. Dahil dito, agad akong nagpakonsulta sa doktor sa mata upang magkaroon ng salamin na akma sa aking panigin.
May mababasa namang kuwento…
Tumingin kay Jesus
Kung meron man akong nakikilalang matapat na tao, iyon ay walang iba kundi si Kuya Justice. Tapat si Kuya Justice sa kanyang asawa, sa kanyang trabaho bilang tagapaghatid ng sulat, at bilang tagapagturo ng mga bata sa aming simbahan. Bumisita ako muli sa aming simbahan at nakita ko muli ang bell na ginagamit ni Kuya Justice bilang panghudyat sa amin na…